July 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?

Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?
Photo courtesy: Screenshot from Unexpectedly Yours (Star Cinema) via Robin Padilla (FB)

Usap-usapan ang pag-share ni Sen. Robin Padilla sa video clip nila ng Kapamilya star na si Joshua Garcia, kung saan mapapanood ang isang eksena nilang dalawa sa isang pelikulang pinagsamahan nila.

Ang nabanggit na pelikula ay mula sa 2017 romantic comedy movie na "Unexpectedly Yours" kasama sina Megastar Sharon Cuneta at Julia Barretto, sa ilalim ng Star Cinema, sa direksyon naman ni Cathy Garcia-Sampana.

Ibinahagi naman ni Robin ang isang eksena nila ni Joshua sa pelikula kung saan binabanggit ng karakter ng huli na may fina-follow siya online. Sa nabanggit na pelikula, magtito ang papel nila at mag-ina naman sina Sharon at Julia.

May simpleng caption naman ang post ng senador na "Unexpectedly yours."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Walang kadala-dala? MTRCB, kinalampag ulit dahil kay Vice Ganda

"Pang-asar ba 'to Sen."

"Magagalit kakampink nito Robin Padilla"

"Unexpectedly DDS pala, sen hahahahaha"

"lalu mo sila ginagalit mga kakampink"

"Naturuan mo nang tamang ideology si Joshua Sen. Robin Padilla."

Matatandaang kamakailan lamang, naging usap-usapan sa social media si Joshua matapos mag-repost ng isang TikTok video patungkol sa nagaganap na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, na gawa ng isang Duterte supporter.

Matapos sitahin ng mga netizen, napabalita naman ang pag-unfollow ni Joshua kina VP Sara at Sen. Alan Peter Cayetano sa Instagram

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Joshua tungkol dito.