ITATAYA ni OPBF super flyweight champion Rene Dacquel ng Pilipinas ang kanyang titulo laban sa mapanganib na si WBO No. 13 Shota Kawaguchi sa Abril 2 sa EDION Arena. Osaka, Japan.

Kailangang mapatulog ni Dacquel si Kawaguchi dahil kilala ang Japan sa hometown decisions o lutong Macao bagamat huli niyang naipagtanggol ang OPBF title sa puntos kay dating Japanese champion at world ranked Go Onaga na isa ring Hapones noong Agosto 21, 2016 sa Naha, Okinawa, Japan pero napabagsak niya ito sa 8th round.

May rekord ang 26-anyos at tubong Abra na si Dacquel na 18-6-1 na may 6 pagwawagi sa kanockout at kasalukuyan siyang nakalistang IBF No. 10 at WBC No. 21 sa junior bantamweight division.

May kartada naman si Kawaguchi na 20-7-1 na may 8 pagwawagi sa knockouts at noong nakaraang taon ay dalawang beses siyang natalo kay ex-WBC flyweight champion Sonny Boy Jaro kaya gusto niyang iganti ang pagkatalo kay Dacquel para magkaroon ng pagkakataon sa world title fight. (Gilbert Espeña)

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala