June 03, 2026

Home BALITA Politics

Ano na? Magkaibang Blue Ribbon Committee, magkakasa ng flood control probe

Ano na? Magkaibang Blue Ribbon Committee, magkakasa ng flood control probe
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.

Sa Facebook live ni Cayetano nitong Miyerkules, Hunyo 3, 2026, ilang minuto matapos ang rigodon sa posisyon ng mga komite, ipinilit ng Senate President na itutuloy pa rin ang pagdinig kahit napalitan ni Sen. Erwin Tulfo ang chairmanship sa Blue Ribbon.

“Tomorrow, tuloy ang hearing ng Blue Ribbon committee. I am still the legitimate legal, moral Senate President of the Republic of the Philippines. There is still functioning committees. We have to hear the testimony,” ani Cayetano.

Samantala, nauna namang inihayag ni Tulfo na ang pagdinig ng Blue Ribbon para sa flood control projects ay gaganapin sa Hunyo 8.

“There will be a blue ribbon committee hearing on Monday [June 8],” saad ni Sen. Erwin.

Politics

Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

Aniya, “We are just moving the schedule date from tomorrow to prepare all members.”“[As a] matter of fact, I declare and I manifest it that all members of the Senate—be in the majority, the new minority now—they are all members of the blue ribbon committee. Para wala pong masabi na ika nga, may hocus pocus,” giit pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Blue ribbon committee hearing, ikakasa sa Hunyo 8—Sen. Erwin

Matatandaang ginulat ni Sen. Chiz Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon nitong Miyerkules, Hunyo 3—ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.

Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto sa bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Sen. Win Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President.

KAUGNAY NA BALITA: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!