Inanunsyo ng bagong Senate Blue Ribbon Committee chair na si Sen. Erwin Tulfo na gaganapin na sa darating na Lunes, Hunyo 8, ang pagdinig ng nasabing komite.
Sa media conference na isinagawa ni Sen. Erwin nitong Miyerkules, Hunyo 3, iniurong daw ito—mula sa orihinal na petsang sasapit sana sa Huwebes, Hunyo 4—upang makapaghanda ang mga miyembro ng nasabing pagdinig.
“There will be a blue ribbon committee hearing on Monday [June 8],” saad ni Sen. Erwin.
Aniya, “We are just moving the schedule date from tomorrow to prepare all members.”
“[As a] matter of fact, I declare and I manifest it that all members of the Senate—be in the majority, the new minority now—they are all members of the blue ribbon committee. Para wala pong masabi na ika nga, may hocus pocus,” giit pa niya.
Nagbigay din ng pahayag ang mambabatas kaugnay sa mga inimbitang resource persons sa gaganaping committee hearing.
“Now, pertaining to those invited resource persons, hindi po ako sang-ayon because we have to review these people. May sasabihin po ba talaga? Mayroon po bang idi-disclose? We have to review this,” anang mambabatas.
“Number 2, the proper way to invite resource persons, you do not give it out to the media—you give it to the members first. Ang nangyari po kanina, ‘yong listahan na sinasabi nilang invited sa blue ribbon [committee hearing], hindi po dumaan sa tamang process,” diin pa ni Sen. Erwin.
Kaugnay nito, napalitan na rin ngayong Miyerkules, Hunyo 3 ang Senate committee chairmanships matapos maisagawa ang quorum nang dumalo si Sen. Chiz Escudero sa plenary session.
Pinalitan ni Sen. Erwin si Sen. Pia Cayetano bilang chair ng nasabing komite.
Matatandaang bago ito maganap, umapela si Sen. Rodante Marcoleta ng suporta mula sa publiko, hinggil sa isasagawa sana nilang blue ribbon committee hearing sa Huwebes, Hunyo 4.
“Ang gusto lang namin ay ang inyong total support. Huwag po kayong kukurap. Baka ito na po ang pinakahuling pagkakataon na ang katotohanan [at] ang katwiran ay mananaig,” saad ni Marcoleta.
“Ang gagawin namin bukas will define the direction of this country kung saan tayo papunta,” dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: Sen. Marcoleta, humingi ng suporta para sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee-Balita