Hinimok ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah ang mga hindi dokumentadong Pilipino na samantalahin ang ipinagkaloob na 90-araw na amnesty period ng gobyerno ng Saudi Arabia para sa mga illegal immigrant.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Saudi Interior Minister Prince Mohammad ang pagbibigay ng amnestiya sa undocumented immigrants, kabilang na ang libu-libong Pilipino na nais umalis ng Saudi Arabia nang walang babayarang penalties o nais maisaayos ang kanilang estado status.

Ayon sa prinsipe, ang amnestiya ay bahagi ng kampanya ng Saudi government para sa “nation free of violators” na layuning tulungan ang mga ilegal na naninirahan sa Saudi Arabia.

“Samantalahin po natin ito. Kasama po sa amnesty ay mga overstayers ng Umrah, Hajj at visit visa, mga expired ang iqama o mga hindi nagkaroon ng iqama,” sabi ni Consul General Imelda Panolong. (Bella Gamotea)

Internasyonal

Finland, muling kinilala bilang 'happiest country in the world'