Dahil sa mabagal na usad ng kaso, naabsuwelto ang dalawang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na sangkot sa fertilizer fund scam.

Ayon sa Special 5th Division ng Sandiganbayan, inabsuwelto sina DA officer-in-charge Regional Technical director Rodolfo Guieb at Regional Executive director Dennis Araullo dahil sa labis na pagkakaantala ng kaso na paglabag sa karapatan ng mga akusado sa mabilisang disposisyon ng usapin.

“For large stretches of time, most notably from August 24, 2011 to April 4, 2014, the case languished with the Ombudsman,” saad sa desisyon ng anti-graft court.

Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Guieb at Araullo dahil sa umano’y anomalyang pagbili ng P3.2 milyong abono noong 2004 nang walang public bidding. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter