NEW YORK (Reuters) – Daan-daang kamag-anak ng mga namatay sa pag-atake noong Setyembre 11, 2001 ang nagsampa ng kaso laban sa Saudi Arabia sa isang korte sa US.

Isinampa ang kaso noong Lunes sa federal court sa Manhattan para panagutin ang Saudi Arabia sa mga pag-atake ng al Qaeda, na ikinamatay ng halos 3,000 katao sa New York, Washington at Pennsylvania.

Itinanggi ng gobyerno ng Saudi na may kinalaman ito sa pag-atake. Ang kaso, humihiling ng hindi tinukoy na danyos, ay isinulong ng mga pamilya ng 800 biktima at1,500 indibiduwal na nagtamo ng mga pinsala matapos rumesponde sa mga pag-atake sa New York.

Batay sa alegasyon, alam ng mga opisyal ng Saudi na ang mga pera mula sa mga Saudi charity ay inililipat sa al Qaeda para pondohan ang pag-atake ng grupo.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na