Ipinagtanggol ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi nito ng food packs sa mga miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), na sapilitang umookupa sa isang housing project ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.

Paliwanag ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo, tumugon lamang sila sa letter of request ng grupo na wala nang makain ang mga ito habang nagsasagawa ng protesta sa lugar.

Ayon kay Taguiwalo, marami silang nakitang bata at matatanda na kasama ng naturang grupo ng maralita na kumukubkob sa mga bakanteng unit ng pabahay sa Pandi.

Aniya, ginawa lamang ng DSWD ang nararapat na hakbangin para na rin sa kapakanan ng mga militante.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Matatandaang binatikos ng mga lehitimong residente sa Pandi ang pamamahagi ng pagkain ng DSWD sa mga miyembro ng Kadamay dahil naitsapuwera umano sila ng kagawaran. (Rommel P. Tabbad)