WASHINGTON (AP) – Ang siyam na pagkamatay dahil sa napakabibihirang uri ng cancer ay maaaring may kaugnayan sa breast implant, nagpapahiwatig ng napakababa ngunit tumataas na panganib sa kababaihan na may implant, ayon sa U.S. Food and Drug Administration.

Sinabi ng FDA na sumasang-ayon na ito ngayon sa World Health Organization na ang ganitong uri ng lymphoma ay maaaring madebelop matapos ang breast implant. Unang nabahala rito ang FDA noong 2011, ngunit sinabi ng ahensiya na kakaunti ang mga kaso upang malaman kung mayroon ngang koneksiyon.

Sa update nitong Martes, sinabi ng ahensiya na nakatanggap ito ng 359 na ulat ng cancer sa kababahian na nagkaroon ng breast implant.

Ang tinutukoy na cancer ay hindi breast cancer, diin ng FDA. Ito ay tinawatag na breast implant-associated anaplastic large cell lymphoma at karaniwang lumalabas sa tissue na tumutubo sa paligid ng implant. Ang ganitong uri ng cancer ay mabagal kumalat at madaling gamutin sa pamamagitan ng pagtanggal sa implant.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na