Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang month-ahead inflation forecast sa bansa mula 5.6% hanggang 6.4% ngayong buwan ng Abril.
Batay sa anunsyo ng BSP nitong Huwebes, Abril 30, ang panganib ng inflation ay bunsod ng pagtataas sa mga presyo ng produktong petrolyo, pagkain tulad ng bigas, isda, at karne, singil sa kuryente, at paghina ng halaga ng piso.
KAUGNAY NA BALITA: Piso, muling sumadsad; ₱61.567 na kontra dolyar!
“The BSP projects April 2026 inflation to be within the range of 5.6 to 6.4 percent. Inflation risks have intensified amid upward price pressures from significantly higher domestic petroleum prices, rising prices of key food items such as rice, fish, and meat, increased electricity charges, and the peso depreciation,” ani BSP.
Saad pa ng ahensya, bagama’t ang inaasahang pagbaba ng presyo ng mga gulay at prutas ay nakatulong sa inflation, ang kabi-kabilang pagtataas ng mga presyo sa bansa ang nag-uudyok ng posibilidad ng pagsipa nito.
“The anticipated decline in vegetable and fruit prices may help temper inflation, but sources of upside price pressures continue to warrant close monitoring,” saad ng BSP.
Dahil dito, tinitiyak ng BSP ang patuloy nilang pagbabantay sa mga datos na kaugnay ang inflation kasabay ang mga pangyayari sa Middle East at epekto nito sa ekonomiya ng bansa.