GENEVA (AP) — Pinatawan ng FIFA nang lifetime banned ang referee na nagbigay ng pinagtatalunang penalty pabor sa South Africa kontra Senegal sa World Cup qualifying match.

Ibinigay ni referee Joseph Lamptey ng Ghana ang penalty para sa non-existent handball kontra Senegal defender Kalidou Koulibaly.

Sa tape review, malinaw na tumama ang bola sa kanang tuhod ni Koulibaly bago napunta sa ground.

Napatunayan ng jury na guilty si Lamptey sa paglabag sa rules na nagsasabing “unlawfully influencing match results,”ayon sa pahayag ng FIFA.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

“All charges against the Ghanaian match official David Lionheart Nii Lartey Laryea, whose behavior had also been the subject of investigations, were dismissed,” sambit ng FIFA.

Nakapuntos ang South Africa sa naturang penalty kick, 1-0, sa ika-42 minuto ng laro sa Polokwane noong Nobyembre.

Nagwagi ang South Africa, 2-1, at nasa ikalawang puwesto sa four-team group. Ang magwawagi sa torneo ang uusad sa susunod na round kontra Russia.

“Further information concerning the South Africa vs. Senegal match in question will be provided once the decision becomes final and binding,” ayon sa FIFA.

Inaasahan naman iaapela ni Lamptey ang desisyon ng FIFA sa Court of Arbitration for Sport.

“FIFA will continue with its ongoing efforts to combat match manipulation through a variety of initiatives, which include the monitoring of international betting and a confidential reporting system with a dedicated integrity hotline and e-mail address,” anila.