Pumalo na sa 24 ang mga kumpirmadong nasawi sa gumuhong estruktura sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa ulat na ibinahagi ng Angeles City Information Office nitong Miyerkules, Hunyo 3, na-extricate mula sa Quadrant 2 ng gusali ang pinakahuling kumpirmadong biktima ng pagguho.
Anila, isa itong hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan dakong 10:57 ng umaga.
Ayon sa opisina, patuloy na isasagawa ng mga awtoridad ang disaster victim identification (DVI) upang malaman ang tunay na pagkakakilanlan ng mga biktima.
Naganap ang malagim at hindi inaasahang pagguho ng naturang gusali noong Linggo ng madaling araw, Mayo 24, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Nasawi sa gumuhong gusali sa Pampanga, pumalo na sa 23!-Balita