Nais ni Senador Leila de Lima na linawin ang mandato ng Public Attorney’s Office (PAO) dahil hindi naman pawang “indigent” o mahihirap ang nakikinabang dito.

Pinuna ni De Lima na humawak na rin ang mga abogado ng PAO ng mga kliyente na may kakayahan namang kumuha ng mga pribadong tagapagtanggol.

“This power, as we have seen in recent years, has been invoked to represent individuals who can afford to contract the services of their own private counsels, to the detriment of those who need PAO’s services the most, such as indigent individuals,” ani De Lima.

Binanggit niya ang pag-abugado ng PAO kina Ma. Cristina Sergio, ang illegal recruiter ni Mary Jane Veloso, at Janet Lim-Napoles na may mga kakayahan namang kumuha ng sariling abogado. (Leonel Abasola)

Tsika at Intriga

Angelica Yulo, nagka-award dahil sa mga anak