LONDON (AP) — Umatras ang Hong Kong sa nakatakdang laban kontra Pakistan para sa Davis Cup tie sa Abril sa Islamabad.
Ayon sa International Tennis Federation (ITF), ikinatwiran ng HongKong ang isyu ng seguridad sa kanilang pagatras nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
“We regrets and respectfully disagrees with Hong Kong’s decision to pull out of the Zone Group matches,” ayon sa pahayag ng ITF
Nauna nang ipinahayag ng Davis Cup committee na gaganapin ang duwelo sa Pakistan Sports Complex sa Abril 7-9 para sa second-round tie. Host ang Pakistan laban sa Iran nitong Pebrero.
Bunsod nito, nakatakdang harapin ng Pakistan ang mananalo sa pagitan ng Philippines at Thailand sa third round.
Ayon sa ITF ang desisyon ng Hong Kong ay iimbestigahan ng Internal Adjudication Panel “to determine whether a breach has been committed.”