KINUHA ng defending champion Pocari Sweat Lady Warriors ang serbisyo ni Bosnian middle blocker Edina Slimovic bilang import para sa darating na Philippine V League Reinforced Conference sa susunod na buwan.

Inaasahan ang 6-foot-3 na si Selimovic na maging pangunahing frontline attacker ng Lady Warriors.

Dumating siya sa bansa noong nakaraang Lunes at sinalubong ni team manager Atty. Eric Ty at bagong recruit na si Fille Cainglet-Cayetano.

“She will be a big addition to our team as we try to shoot for a third championship in the PVL,” pahayag ni Ty

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nananatili pa rin ang core ng team na binubuo nina Melissa Gohing, Myla Pablo, Elaine Kasilag, Desiree Dadang, at Gizelle Sy, habang nadagdag naman sina Jeanette Panaga at Jessey de Leon.

Sa darating na reinforced conference ay pinapayagan ang bawat team na kumuha ng tig-dalawang import. (Marivic Awitan)