ANG partnership ng Happy Learner’s Educational Program and Services, Inc. at Lego Educational Robotics and Computer Technical Training Program ay gumagamit ng modular system na idinisenyo para i-develop ang proficiency in computer use and appropriate technology ng mag-aaral.
Komportableng gumagawa ang mga mag-aaral sa tulong ng computer applications at natututo ng competitive skills na magagamit nila para sa mas progresibong pagtatrabaho.
Ang modular design ng kurso ay mayroong easy-to-follow instructions, case scenario exercises na may mga solusyon para sa praktikal na pag-unawa ng computer concepts and principles na kinakailangang taglayin ng mag-aaral bago siya sumabak sa trabahong papasukan.
Ang unique na programang ito ay ipinagkakaloob sa underprivileged public school students simula grade 6 hanggang first year at 4th year, out-of-school youth na nais matuto sa “customized” computer literacy training program sa loob ng 14 na linggo.
Nitong nakaraang Marso 19, Linggo, ay isa na namang grupo ng mga mag-aaral ang nagtapos ng training sa Happy Learner.
Umaabot sa 200 estudyante ang sinamahan ng kani-kanilang mga magulang at guardians sa kanilang graduation ceremony.
Itinampok sa graduation ang presentation ng outstanding graduating students demo at naging panauhin sina Dr. Elizabeth E. Quezada - CESO V, DepEd Quezon City Schools Division Superintendent(SDS) na siyang nag-deliver ng keynote speech at sa awarding of certificates naman ay nakatuwang si DepEd Quezon City District Office Accounting Head Mr. Joven S. Noynay. (Ador Saluta)