NAKATULONG ang maagang break na nakuha ng Rain or Shine sa nakalipas na conference dahil nagkaroon ng pagkakataon si James Yap upang makapagpakundisyon ng husto para sa kanyang muling pagbabalik aksiyon.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit mainit ang opensa ng 6-foot-2 na si Yap sa kaagahan ng 2017 Commissioner’s Cup kung saan pinangunahan nito ang defending champion Elasto Painters sa back-to-back win kontra NLEX at Mahindra.

Sinimulan ni Yap ang mid-season conference sa pagtatala ng average na 19.0 puntos at 3.0 rebounds na naging dahilan upang siya ang mapiling unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa petsang Marso 17-19 kung saan tinalo niya sina Meralco guard Baser Amer at Chris Newsome para sa citation.

Nagposte ang 35-anyos na si Yap ng 26 puntos, highest scoring output sa nakalipas na tatlong taon upang pamunuan ang Rain or Shine’s sa 113-105 paggapi sa NLEX, ginagabayan ng dating coach ng Painters na si Yeng Guaio. Nagtala naman si Yap ng 12-puntos mula sa bench sa 99-95 overtime na panalo kontra Mahindra. (Marivic Awitan)

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players