Hindi raw inaasahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kaniyang buong buhay sa mundo ng politika na magiging lubhang magulo ang Senado.
Matatandaang dalawang araw na mula noong Lunes, Hunyo 1, at Martes, Hunyo 2, 2026, na hindi dumadalo ang mga miyembro ng Senate majority bloc sa kaniyang sesyon magmula noong maaresto ng mga awtoridad si Sen. Jinggoy Estrada.
Nahaharap si Estrada sa non-bailable case na kinakasangkutan niya kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ng Solid Bloc 11: 'Alan Peter Cayetano resign!'
Sa naging pahayag ng Pangulo sa panayam sa kaniya ng media nitong Miyerkules, Hunyo 3, sinabi niyang tila nakikita raw niyang hindi nagkakasundo ang mga miyembro ng Senado.
“The best description I can have is that the legislature is now in disarray. But that is exactly the opposite of what we are trying to achieve. We are trying to achieve some form of stability…” pagsisimula niya.
Anang Pangulo, hindi raw maisasakatuparan ang pagsulong ng stability kung pipiliin ng mga senador sa Senado na manatili sa kanilang tahanan at magbakasyon na lang.
“We cannot do that if the legislature decides to stay at home and have a vacation. That is anathema to everything that the government is about,” aniya.
Diin ni PBBM, hindi raw niya kailanman naisip sa kaniyang buhay na magiging magulo ang Senado bilang mataas na kapulungan ng Kongreso sa gobyerno ng bansa.
“I never imagined in my entire political life especially the August [Chamber]. It’s no longer August now, but the August body of the upper House of the Senate of the Philippines,” saad niya.
Pagpapatuloy niya, tila nakakalungkot daw na makita ang nangyayari sa Senado sa kabila ng maraming pangangailangan ng mamamayan sa tulong ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
“It's very-very sad work. It’s a very-very sad situation to watch. The country is in need of assistance. How can we provide assistance without the proper legislation to back it up?” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa 'di pumapasok na mga senador: 'Get back to work!'