Ipinalasap ng University of the Philippines Fighting Maroons ang unang pagkatalo sa Far Eastern University, 1-0, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium.

Naitala ng substitute winger na si Raphael Resuma ang nag-iisang goal ng laro sa 65 minuto.

“I thought compared to our last game against [FEU] we kept the ball better this time because that was the objective. Overall performance we’re quite happy except the first half when our backline was quite unstable,” pahayag ni UP coach Anto Gonzales.

Kapwa walang nangyari sa mga attempt ng magkabilang panig sa opening period, kung saan nagpakita na ng pagiging agresibo ang UP.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kabila ng goalless first half, at masaklap na kabiguan sa mga nauna nilang pagtatangka, hindi pa rin nawalan ng loob ang Fighting Maroons at patuloy na ipinakita ang puso nila bilang defending champions.

“This bunch their mental toughness is really fantastic. No problems with the motivation. When things are down they can easily pick themselves up,” ang may pagmamalaking wika ni Gonzales.

Sa kalagitnaan ng second half, na-intercept ni JB Borlongan ang bola at ipinasa kay Resuma para sa panalo. - Marivic Awitan