Aabot sa 80 kilo ng botcha o kontaminadong karne ang nakuha ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office sa dalawang bahay sa Barangay Santo Domingo, Quezon City.

Nakatanggap ng mga ulat ang grupo na may dalawang bahay sa nasabing barangay na nagsisilbing ilegal na katayan na isang paglabag sa batas.

Ayon kay Dr. Anna Marie Cabel, ang mga kontaminadong karne ay nakumpiska mula sa mga bahay ni Juanita Caraig.

Ipinagdiinan niya na maaaring magbenta ng karne sa labas ng palengke kung mayroong maipapakitang meat inspection certificate ang mga may-ari o tindero at tindera.

National

Agusan del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Bigo si Caraig na may maipakitang certificate o kahit anong permit.

Sa pagpasok ng grupo sa nasabing mga bahay, nadiskubre na may tatlo pang buhay na baboy na binili mula sa Bulacan na pinaghahandaan nang katayin.

Idinagdag ni Cabel na lumabag si Caraig sa batas dahil kinakailangang naroon mismo sa pinangyarihan ang isang meat inspector sa tuwing nagkakatay sila ng baboy. (Chito A. Chavez)