Isang kalansay ang natagpuan sa butas na hinukay para sa poste ng kuryente sa Ermita, Maynila, kinumpirma ng awtoridad.

Bandang 10:00 ng gabi nitong Biyernes natagpuan ang nasabing kalansay na isinilid sa sako ngunit kinabukasan pa iniulat sa awtoridad.

Inaalam na ng awtoridad ang kasarian ng kalansay na nadiskubre sa kahabaan ng Linao Street at Pres. Quirino Avenue.

Ayon sa construction worker na si Alexander Pascual, 40, nagsagawa sila ng paghuhukay para magtayo ng poste ng Meralco at tuluyang sumambulat ang sako.

National

Mga nagpakalat ng fake news tungkol sa 'petisyon,' lagot sa Korte Suprema!

Sa pag-aakalang maaaring mapakinabangan ang laman, sinilip ni Pascual ang nasa loob ng sako hanggang sa nadiskubre ang 75 pirasong buto ng tao.

Agad niya itong ini-report kay Barangay 743, Zone 80 chairman Felimon Tutica na siyang nagparating sa Ermita Police Station.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Jaimie Rose R. Aberia)