MONCADA, Tarlac - Isang dating adik sa droga ang inaresto ng mga pulis makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu matapos siyang ireklamo sa hindi pagsasauli ng hiniram na tricycle sa Barangay Camangaan West, Moncada, Tarlac, nitong Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon ni PO1 Kenn Lester Lopez, hiniram ni Ronnie De Guzman, 32, may asawa, drug surrenderer, ang tricycle (BO-31770) ni Jerry Gascon, 47, kapwa ng nasabing barangay, para sa paged-deliver ng itlog sa palengke.

Gayunman, hindi na umano ibinalik ni De Guzman ang tricycle hanggang sa maaresto ang suspek at mahulihan ng dalawang plastic sachet na may 0.087 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, isinangla ng suspek ang tricycle sa isang Marilou Viagenes sa halagang P3,000. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog