Nataranta ang mga motorista at mga residenteng kalapit ng isang gasoline station sa Quezon City matapos magkaroon ng pagtagas ng gasolina, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Quezon City District Fire Marshal Supt. Manuel Manuel, inaalam na nila ang kabuuang nangyari sa Clean Fuel gasoline station na nasa panulukan ng Scout Torillo sa Timog Avenue at pag-aari ni dating Quezon City Councilor Bong Suntay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isinugod sa ospital ang isa sa mga tauhan ng naturang gasolinahan dahil sa tinamong chemical burn nang tangkain nitong isara ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na nag-leak.

Dahil sa insidente, pansamantalang isinara sa mga motorista ang nasabing kalsada at pinagbawalan ang mga tao na makalapit sa pinangyarihan. (Rommel P. Tabbad at Jun Fabon)

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara