NAKAMIT ng San Beda College ang unang kampeonato nang bawian nila ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu, 79-61, nitong Huwebes sa Division 1 finals ng 10th SM NBTC National High School Championship sa Mall of Asia Arena.

Matapos mabigo sa nauna nilang dalawang finals appearance noong 2015 at 2016, nakamit din sa wakas ng Red Cubs ang isa pang juniors crown sa collegiate league.

Pinangunahan ang Red Cubs ni Division 1 Most Outstanding Player Evan Nelle na nagtala ng 18 puntos, limang rebound at tatlong steal.

Nagtala naman si Travis Mantua ng 14 puntos, limang rebound at anim na assist, habang nagdagdag naman si Eroll Pastor ng 13 puntos at 16 rebound para sa Ateneo de Cebu na siyang tumalo sa kanila noong 2015 championship.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

“Siyempre masaya kasi eto ‘yung goal, nakuha namin. I’m proud of the boys kasi nag-start sila Division 2. Nag-level up na sila tapos nag-champion sila sa Division 1,” pahayag ni San Beda coach JB Sison.

Kasama ni Nelle na napili sa Mythical Five and teammate na si Alfaro, Mantua, Pastor, at kakamping si Andrew Velasco.

(Marivic Awitan)