NINAKAWAN si Kendall Jenner ng mga alahas na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar sa loob ng kanyang mansiyon sa Hollywood Hills nitong Miyerkules, ayon sa ulat ng TMZ.

Napaulat na umalis ang 21-anyos na modelo sa kanyang bahay bandang tanghali at bumalik dakong 8:00 ng hapon. Wala siyang napansing kahina-hinala hanggang sa matuklasan niya dakong 1:00 ng madaling araw na nawawala ang ibang mga alahas niya sa kanyang kuwarto, na tinatayang nagkakahalaga ng $200,000.

Ayon sa TMZ, walang palatandaan na may puwersahang pumasok sa bahay ng modelo. Iniulat na ito ni Jenner sa pulisya ngunit hindi pa rin nahuhuli ang mga suspek.

Binili ng Keeping Up With the Kardashians star ang mansiyon mula kina John Krasinski at Emily Blunt noong summer ng 2016 sa halagang $6.5 million. Bahagi ng 4,800-square-foot na ari-arian ang anim na kuwarto, apat na palikuran, isang swimming pool, mini screening room at floor-to-ceiling windows.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa sa mga kapitbahay ni Jenner si Jimmy Kimmel. Nagkabiruan pa ang dalawa tungkol sa paglipat ni Jenner sa Jimmy Kimmel Live! noong Agosto 2016.

“There was a whole thing with emails that went on,” ani Kimmel, 49, sa modelo noon. “I mean, before you got there…

The neighbors all seemed to blame me for this development.”

Naganap ang insidente pagkaraan ng limang buwan simula nang manakawan ang kapatid ni Jenner na si Kim Kardashian at tutukan ng baril sa Paris noong Oktubre 3, 2016, na nasa $5.6 million na alahas ang ninakaw mula kay Kim, ayon sa insurance claim. (Us Weekly)