Mula sa Camp Karingal, inilipat kahapon sa Metropolitan City Jail (MCJ) ang itiniwalag na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Angel Manalo matapos niyang sumailalim sa medical check-up sa Quezon City Police District-Scene on the Crime Operation (QCPD-SOCO).
Sa Camp Bagong Diwa mananatili si Manalo habang dinidinig ang patung-patong na kaso laban sa kanya.
Matatandaang kinasuhan si Manalo ng illegal possession of firearms makaraang makumpiska ang matataas na kalibre ng baril, mga bala at iba’t ibang uri ng pampasabog sa kanilang tinutuluyan sa Tandang Sora, Quezon City. (Jun Fabon)