PAKITANG gilas ang tubong - Pampanga na sina Encho Serrano at John Lloyd Clemente nang pangunahan ang North All Star na ginabayan ni coach Jong Uichico kontra sa South All-Stars ni coach Josh Reyes ,94-89, kahapon sa 10th SM NBTC League sa MOA Arena.

Mainit ang simula nang laban. Ngunit nagawang makaabante ng North sa 19 puntos na bentahe.

Naiiwan ng 36-53 sa halftime, pinasiklab nina SJ Belangel at Sherwin Concepcion ang 31-point third quarter na ratsada ng South upang muling makabalik sa laban.

Sa fourth period, nagawang makontrol ni Rom Junsay ang opensa sa pakikipagtulungan nina NCAA MVP Troy Mallilin at UAAP MVP Juan Gomez de Liano para tiyakin ang panalo ng North.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumapos si Encho Serrano na may 17 puntos at pitong rebounds para tanghaling All-Star Game MVP.

“We had more talent, but credit to the other team, they played hard,” pahayag ni Uichico .

Nanguna si Belangel para sa South sa iniskor na 18 puntos, anim na rebound at limang assist.

Sa Division 2 All-Star Game,nagwagi naman and koponan ni coach Aldin Ayo na Team Superstar kontra sa koponan ni coach Jamike Jarin’ na Team Elite, 106-75.

Tin anghal na All-Star Game MVP si Kevin Barranco ng Iloilo matapos umiskor ng 22 puntos. (Marivic Awitan)