NAGSIGAWAN ang Encantadiks sa sobrang kilig sa kissing scene nina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa Encantadia.
Nangyari ito nang dumalaw nang patago si Aquil (Rocco) sa Lireo at hindi sinasadyang nakita ni Danaya (Sanya). Tila na-miss ng reyna ang dating punong heneral dahil nang makita niya ito, hinarang niya upang hindi agad makaalis at sinabihan ng “I love you.”
Ramdam na ramdam ang feelings nila nang biglang halikan ni Aquil ang Hara ng Lireo kaya hindi kataka-taka na naging trending topic ito sa Twitter.
Magkabalikan na nga kaya ang dalawa ngayong hindi pa naman pala nagbabago ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa?
Lalong nagiging exciting ang kwento ng Encantadia kaya tutok lang gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.