Hindi rin nakaligtas sa riding-in-tandem ang dating barangay tanod na isa umanong drug user matapos itong pagbabarilin habang nagsasara ng tindahan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital si Arturo Fajardo, 65, dating barangay tanod ng Barangay 87, Zone 7, District 1, at residente ng 1619 Velasquez Street, Tondo.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:01 ng madaling araw ay nagsasara ng kanyang tindahan ang biktima nang sumulpot ang motorsiklong kinalululanan ng mga suspek na kapwa nakasuot ng hooded black jacket.

Hindi na nagawa pang makatakbo ni Fajardo nang bigla na lang siyang paulanan ng bala ng mga suspek na agad humarurot palayo matapos ang krimen.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Inamin naman ng anak ng biktima na si Michelle Fajardo, 36, na dating gumamit ng droga si Arturo ngunit hindi umano ito nagtulak. (Mary Ann Santiago)