Humingi ng tulong sa Manila Police District–General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga embahada ng Qatar at China para makita ang kanilang mga mamamayan na kapwa iniulat na nawawala sa bansa.

Sa ipinadalang liham ng Qatar Embassy kay Police Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, humingi ito ng tulong para mahanap si Ahmed Rashid J.J Al-Jarboua, 29-anyos.

Nabatid na bago nawala ay tumawag pa si Al-Jarboua sa Qatar Embassy noong Pebrero 8, 2017, at humihingi ng tulong dahil sa mga death threat na natatanggap diumano nito. Ngunit nang muli siyang tawagan ng Embahada ay hindi na sumasagot si Al-Jarboua.

Humingi naman ng tulong ang Chinese Embassy sa pulisya para hanapin si Sun Weilang, na dumating sa bansa noong 2003 para mag-aral, at kalaunan ay nagtrabaho sa isang mining company sa Makati City. Huling nakausap ng kanyang pamilya si Weilang noong Mayo 2014.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Nananawagan ang dalawang embahada sa publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa MPD-GAIS ang anumang impormasyon na makatutulong upang mahanap ang dalawang banyaga. (MARY ANN SANTIAGO)