Kahindik-hindik ang pagkamatay ng college professor at vice president ng Pamantasang Lungsod ng Marikina (PLMar) matapos siyang gilitan nang paulit-ulit sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City, kahapon ng umaga.

Natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto si Alfredo Dimaano, 44, Vice President for Academic Affairs ng PLMar, tubong Surigao del Norte, at residente ng Block 2, Lot 15A Diamond Street corner Sapphire St., Marikit Subdivision, Bgy. Concepcion Uno, dakong 7:30 ng umaga.

Ayon kay Bgy. Captain Gerardo Sto. Domingo, huling nakitang buhay si Dimaano nitong Martes ng gabi habang papasok sa kanyang bahay at may kasama umanong lalaki.

Matapos nito ay hindi na umano muling nakita ang biktima na labis nilang ipinag-alala kaya sinubukan nila itong katukin.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Nang walang sumagot ay ini-report na umano nila ito sa barangay na naging dahilan ng pagkakadiskubre sa bangkay.

Ayon naman kay Marikina City Police chief Lorenzo Holanday, posibleng pinagnakawan pa ng suspek ang biktima dahil nawawala ang laptop, cell phone at iba pang mahahalagang gamit ng biktima. (Mary Ann Santiago)