‘Wag makipag-usap sa mga taong hindi kakilala.

Ito marahil ang leksiyon sa pagkamatay ng isang lalaki na pinagbabaril ng dalawa niyang kausap sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Joey Miquiabas, 33, ng Miramonte Heights, Little Baguio, Barangay 180 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa ulo.

Base sa report ni PO3 Rommel Caburog, bandang 1:30 ng madaling araw nangyari ang insidente sa labas ng bahay ng biktima.

National

Rep. Paolo Duterte, nagbabala vs pekeng Viber account na ginamit number niya

May kausap na dalawang lalaki si Miquiabas at makalipas ang ilang sandali ay duguan na itong bumulagta.

Dahil sa mga narinig na putok ng baril, lumabas sa bahay si Leah, misis ng biktima, at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan nang makita ang sinapit ng asawa.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)