Arestado ang isang binatilyo matapos umano niyang halayin ang sarili niyang kapatid sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ayon sa mga pulis, ang biktima ay isang 11 taong gulang at ang suspek ay 18 taong gulang na sinasabing lulong sa ilegal na droga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong 10:00 ng gabi nitong Martes ay nakatakda na sanang matulog ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Taniong, Malabon.

Naramdaman umano ang biktima na may naghuhubad ng kanyang damit at humihimas sa kanyang dibdib.

Eleksyon

Marcoleta nagpapatulong sa mga botante: ‘Dalhin n’yo ako sa Senado!’

Ayon sa awtoridad, inamin ng suspek na ginalaw niya ang nakababata niyang kapatid, at sinabing epekto lamang iyon ng ilegal na droga.

Sinubukan umanong lumaban ng biktima ngunit hindi niya kinaya ang lakas ng kapatid.

“Umiiyak ako nang ipasok niya ang ari niya sa’kin. Sobrang sakit,” sabi ng biktima.

Hindi nagdalawang isip na magsumbong ang biktima sa kanilang magulang.

Nang makarating sa pulisya ang insidente, agad nagpunta ang mga pulis sa bahay ng suspek at siya’y inaresto.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malabon City Police headquaters. (Jel Santos)