Kasong usurpation of authority ang isinampa laban sa isang babae na umano’y nagpanggap na pulis at nagtangkang mangutang sa ilang opisyal ng Philippine Navy sa Taguig City, nitong Lunes.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas sa Taguig City Police si Sait Olaguera, nasa hustong gulang, makaraang mabisto sa kanyang modus.

Pormal na naghain ng reklamo sa pulisya ang biktimang si Navy Officer Kevin Alane de Guzman, nasa hustong gulang, laban sa suspek.

Nakasuot pa ng athletic uniform ng pulis si Olaguera at nagpakilalang pulis kay De Guzman sa loob ng Navy Camp sa Fort Bonifacio, Taguig City, bandang 12:30 ng tanghali.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Tinangka umanong utangan ni Olaguera si De Guzman at tatlo pang Navy personnel ngunit siya’y nabisto dahil sa mga iprinisintang pekeng identification card (ID) na naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto. (Bella Gamotea)