Tinawag na “tanga” ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang ilang driver sa bansa dahil sa umano’y kawalan ng sapat na kaalaman sa pagmamaneho at pagbalewala sa mga batas trapiko.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order sa Tanay bus tragedy na kumitil sa 15 katao, iginiit ni Sotto na “tanga sa lansangan” ang mga driver kaya marami ang naaaksidente.

“Grabe, hindi lang reckless, ang tatanga. Kaya siguradong babagsak. Sa tunay na examination, 50 percent ng driver sa Pilipinas babagsak,” ani Sotto.

Aniya, dapat maging mahigpit ang Land Transportation Office (LTO) sa pag-iisyu ng mga lisensya at magsagawa rin ng mga seminar para sa mga driver.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Ayon pa kay Sotto, isa rin sa dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila ay ang naghambalang na mga sasakyan sa kalsada.

“Sino’ng gumagawa no’n? Eh, di ‘yung mga driver din na tanga. They violate the law. Papaanom, hindi dumaan sa scrutiny. Ang daling kumuha ng lisensiya,” dagdag pa ni Sotto. (Leonel M. Abasola)