Marahil sa labis na kalungkutan nang siya’y iwanan ng kanyang nobya, nagbigti ang isang binatilyo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Johnny Erojo, 19, ng No. 114 Sitio Street, Niño Concepcion ng nasabing lungsod.
Ayon kay Cherry Ann Dacutan, hipag ng biktima, dakong 4:00 ng madaling araw niya nadiskubre ang bangkay na nakabitin sa sala ng kanilang bahay.
Natatarantang tumakbo si Cherry Ann at tinawag ang kanyang mister na si Crisanto Erojo, Jr., nakatatandang kapatid ni Johnny, at pinagtulungan nila itong ibaba at isinugod sa nasabing ospital ngunit wala na itong buhay.
Nabatid na kamakailan lamang ay hiniwalayan si Johnny ng kanyang nobya at simula noon ay naging malungkutin na umano ito. (Orly L. Barcala)