HALATANG excited at nami-miss na nang husto ng fans at televiewers si Kris Aquino. Tuwing nagpu-post siya sa Instagram kung saan-saan siya pumupunta para sa taping ng kanyang special travel show na #TripNiKris, agad umaani ng libu-libong views and likes.

Tulad na lang ng post niya na, “Patikim pa lang, #TripNiKris, my Philippine travel special (hopefully something you’ve missed watching me do) this March 26, after Kapuso Mo Jessica Soho.” Umabot na ito ng 213,111 views and 781 comments.

Hindi namin alam kung anu-ano ang nilalaman ng travel show ni Kris dahil kung susundin ang time slot ng Sunday Night Box Office (SNBO), tatagal ito ng dalawang oras. Kaya tiyak na hindi lamang paglalakbay sa iba’t ibang magagandang lugar sa Nueva Ecija na hindi pa napapanood sa TV, kundi pati na ang mahahalagang aspeto na tatalakayin niya tungkol sa mga lugar na binibisita niya, tulad ng Philippine Carabao Center.

Bukod sa pagiging busy sa taping ng #TripNiKris, hands-on na ang management niya sa mga business na itinatayo niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

At kahapon pagkagaling sa Nueva Ecija, nag-shower at nagpalit lang siya ng damit at tumuloy na siya sa NAIA para sa 2:00AM flight niya to Guangzhou para mag-attend ng @chowkingph franchise convention doon.

Hinay-hinay din, Kris! (NORA CALDERON)