Patay ang isang empleyado ng Commission on Higher Education (CHEd)-Region 12 makaraang pagbabarilin sa Koronadal City, South Cotabato, kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Koronadal City Police Office, papasok sa trabaho si Jennifer Oñaz, 39, dalaga, taga-General Santos City, bandang 7:00 ng umaga nang pagbabarilin ito ng isa sa mga hindi nakilalang suspek na sakay sa isang van.

Namatay si Oñaz, na kawani sa records section ng CHEd-Region 12, habang ginagamot sa ospital.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na unang nakatanggap ng death threat si CHEd-Region 12 Director, Dr. Maximo C. Aljibe. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!