LOS ANGELES – Pinatunayan ni Romero Duno na hinog na siya para sa malaking laban at susunod na star fighter ng Sanman Gym of Gen. Santos City matapos pabagsakin ang dating walang talong si Christian “Chimpa” Gonzalez nitong weekend sa Belasco Theater dito.

Nagawang makabawi ni Gonzalez sa tiyak na TKo sa firt round, ngunit hindi siya tinantanan ni Duno para muling paluhurin ang karibal para masungkit ang bakanteng WBC Youth Intercontinental lightweight title.

Sinamahan si Duno sa corner nina dating kampeon Rodel Mayol, Sanman CEO Jim Claude Mananquil, Sanman CFO Dexter Tan at philboxing’s Dr.Ed dela Vega.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nadugtungan ang panalo ni Duno para sa 13-1, tampok ang 12 technical knockout.