Pinagsasaksak ang isa sa mga miyembro ng fraternity group, sinasabing siga sa kanilang lugar at sangkot sa tatlong kaso ng pagpatay, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dalawang saksak sa dibdib at collar bone area ang tumapos sa buhay ni Jason Francisco, 27, umano’y miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity, ng Building 28, Unit 515, Permanent Housing, Tondo, Maynila.

Kasalukuyan namang hinahanap ang nanaksak na kinilalang si Rodelio Mamucod, alyas “Iyong”, 18, ng Purok 6, Alley III, Permanent Housing, Tondo, Maynila.

Ayon kay PO3 Roderick Magpale, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:30 ng madaling araw ay nakikipagkuwentuhan si Francisco sa kanyang mga kaibigan sa harap ng Building 22, Permanent Housing, Tondo, nang sumulpot si Mamucod at pinagsasaksak si Francisco.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Tinangka pa umanong isugod ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit patay na ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)