Sugatan ang tricycle driver makaraang barilin ng guwardiya sa Parañaque City, nitong Sabado.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Parañaque Doctors Hospital si Gilbert Menoro, nasa hustong gulang, na nagtamo ng sugat sa hita matapos barilin ni Jestoni Seraspe, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat ni Senior Insp. Allan Abaquita, ng Police Community Precinct (PCP)-Station 4 ng Parañaque City Police, nangyari ang pamamaril sa Barangay Don Bosco.

Sa pahayag ni Seraspe sa awtoridad, lasing at nanggugulo si Menoro sa Camella Homes, Better Living Subdivision, Bgy. Don Bosco, kung saan siya nagtatrabaho.

VP Sara, nakiisa sa Pista ng Imaculada Concepcion

Sinaway at sinita umano ni Seraspe ang biktima ngunit nagalit pa umano ito at nauwi sa suntukan.

Maya-maya pa’y napilitan umano Seraspe na bunutin ang kanyang baril at pinaputukan si Menoro.

Kusang sumuko sa awtoridad ang guwardiya at isinurender ang kanyang caliber .38 baril. (Bella Gamotea)