Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang forklift operator sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Dead on the spot si Romeo Bustamante, 29, ng Sta. Cruz, Maynila dahil sa tatlong tama ng bala sa ulo habang kinikilala pa ang dalawang suspek.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 8:30 ng gabi nangyari ang pamamaril sa harap ng Premiero Auto Supply sa Severino Reyes Street, sa Sta. Cruz.

Abala umano si Bustamante sa pagtatrabaho nang dumating ang mga armado at walang habas siyang pinaputukan sa ulo.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Aminado ang awtoridad na hirap silang makilala ang mga suspek dahil walang makapagbigay nang maayos na pahayag sa nangyaring krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. (Mary Ann Santiago)