MOSUL, Iraq (AP) – Nabunyag sa mga tunnel na hinukay ng mga militanteng Islamic State sa ilalim ng winasak na dambana sa Mosul ang palasyo ng isang haring Assyrian na namuno may 2,700 taon na ang nakalipas.

Pinasabog ng IS ang dambana ni Jonah, isang karakter sa Biblia, noong 2014 matapos makubkob ang lungsod, at sinimulan ang paghuhukay patungo sa bahagi ng burol sa ilalim ng dambana, na nagbunga sa pagkakatuklas.

Ayon sa mga Iraqi archaeologist, natagpuan ang mga sinaunang tatak ng mga toro at leon na may pakpak sa kailaliman ng mga tunnel. Pinaniniwalaang bahagi ang mga ito ng palasyo ni King Esarhaddon na namuno sa Neo-Assyrian empire noong 7th century B.C.

Naitaboy ng mga puwersang Iraqi ang IS palabas sa silangang Mosul noong Enero.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na