NAKAISKOR si Kyla Inquig sa pamamagitan ng header sa ika-85 minuto para sandigan ang De La Salle University sa 1-0 panalo kontra Far Eastern University nitong Sabado sa UAAP Season 79 women's football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ang panalo ang ikaapat na sunod para sa La Salle para sa kabuuang 12 puntos. Nagtapos naman ang FEU, sa first round na mayroon lamang isang puntos.

Sa kabila ng panalo, dismayado si Lady Archers mentor Hans-Peter Smit sa diskarte ng kanyang mga player.

“[They] lost focus that’s why I got mad at them. During the warm-up they were too relaxed. These young athletes don’t understand that if you’re not focused and concentrated on the game at hand, you’re gonna lose it,” pahayag ni Smit.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

“Nevertheless, they still showed true character but today is not the same day like the other three games. We’re just fortunate enough to score. I asked them only for one goal. It’s mental again. They just need to be more concentrated,” aniya. (Marivic Awitan)