CONCEPCION, Tarlac – Tatlong katao ang grabeng nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan makaraang magkabanggaan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa municipal road ng Barangay Alfonso sa Concepcion, Tarlac, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni PO1 Emil Sy ang mga biktimang sina Armando Robles, 63, driver ng Rusi tricycle (TV-5659), taga-Bgy. Alfonso; Oliver Mallari, 28, driver ng Honda Wave motorcycle (RM-1313); at angkas ni Mallari na si Marilou Banda, 26, kapwa ng Bgy. San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga.

Isinugod ang tatlo sa Concepcion District Hospital.

Ayon sa report, patungo sa bayan ng Concepcion ang tricycle nang makasalpukan nito ang kasalubong na motorsiklo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog