Hindi naging maganda ang kinahantungan ng pagkakaibigan ng dalawang lalaki matapos ang isang hindi inaasahang pangyayari.

Binaril at pinatay ng isang lalaki ang 33-anyos niyang kaibigan dahil umano sa panlilinlang nito sa kanya sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Weinston Barro, 33, ng 832 Oroquieta Street, habang tinutugis naman ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Ben”.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 5:40 ng madaling araw binaril ng suspek ang biktima.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Sinasabing nagalit umano si Ben nang magsumbong ang isa nitong kaibigan na sa halip na shabu ang ibili ay tawas umano ang ibinigay sa kanya ng biktima. (Mary Ann Santiago)