Tatlong menor de edad ang nasawi matapos makuryente sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Mindanao.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa magkakaibang lugar sa Cagayan de Oro City at Lanao del Norte nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng malakas at halos walang tigil na ulan.

Batay sa ulat, nakuryente sina Christian Jay Gamit at Mike Dagsaan, kapwa 11 anyos at taga-Barangay Pagatpat, CdeO, habang nangunguha sa ilog ng mga kahoy na panggatong makaraang hindi nila napansin ang live wire ng Misamis Oriental Electric Cooperative (MOEC)

Tiniyak naman ng MOEC na sasagutin nito ang pagpapalibing sa dalawang paslit.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, namatay naman ang isang pitong taong gulang matapos mabagsakan ng puno ng niyog sa bayan ng Linamon sa Lanao del Norte.

Sa ulat ni Senior Supt.Faro Antonio Olaguera, director ng Lanao del Norte Police Provincial Office (LNPPO), malakas ang hangin hanggang napatumba nito ang puno na bumagsaka sa bata.

Kasabay nito, kinumpirma ni Olaguera na nagsilikas ang halos 500 residente sa lalawigan matapos na bahain ang mga bahay ng mga ito. (FER TABOY)