Natakasan ng isang drug suspect ang dalawa niyang police escort matapos dumalo sa paglilitis sa Justice Hall sa Caloocan City, nitong Biyernes ng umaga.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police, ang manhunt operation laban kay Regin Roldan, 27, ng No. 71 Bayani Street, Barangay 37 ng nasabing lungsod.

Posible namang masibak sa puwesto sina PO3 Marcelito Banuad at PO3 Wilfredo Alfaro, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP)-Station 2.

Base sa report, bandang 8:30 ng umaga, sinamahan nina Banuad at Alfaro sa Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 122 sa Justice Hall, 10th Avenue, Caloocan City, si Roldan para sa hearing nito kaugnay ng kasong illegal drugs.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Pabalik na umano sa presinto ang tatlo nang makiusap si Roldan na dumaan muna sa kanyang bahay upang kumuha ng mga gamit.

Dahil nakaposas naman umano si Roldan, pumayag sina Banuad at Alfaro ngunit paghinto ng sasakyan, binuksan umano ng suspek ang pinto at mabilis na nagtatakbo sa eskinita.

Hinabol umano nina Banuad at Alafaro si Roldan ngunit hindi na nila ito naabutan. (Orly L. Barcala)