AGUILAR, Pangasinan – Isang dating operatiba ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) at isang electrician ang naaresto sa entrapment operation sa Sitio Aliling, Barangay Laoag sa Aguilar, Pangasinan.

Pinangunahan ni Senior Insp. Arturo Melchor, Jr. ang entrapment operation laban kina dating Insp. Jeffrey Mejia Cruz, 33, may asawa, tubong Bugallon at naninirahan sa Luba, Abra; at Jessie Acam Caburnay, 40, may asawa, electrician, ng Bgy. Poblacion, Bugallon.

Bandang 4:30 ng hapon nitong Huwebes nang ikasa ang entrapment operation sa Sitio Aliling, Bgy. Laoag, Aguilar.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang isang 12-gauge Akkar shotgun, isang 12-gauge Karatay shotgun, isang .45 caliber Armscor pistol, isang .9mm caliber Tanfoglio pistol mula sa PNP at may magazine, ilang parte ng baril, ilang magazine para sa .40, .45 at M16, iba’t ibang ID at ATM card, tatlong cell phones, ilang gamit na cartridge case ng .9mm, .45, .40 ay 5.56mm, isang bala ng 5.56mm, isang bala ng .9mm, at isang pulang Mitsubishi Strada (XDN-335).

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Liezle Basa Iñigo)