Sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ang tatlong opisyal ng Philippine Army (PA) kaugnay sa pagkamatay ng dalawang umano’y rebelde sa isang engkuwentro sa Capiz kamakailan.

Sina 61st Infantry Battalion commander Lt. Col. Leonardo Peña, Maj. Alan Mangaser at Sgt. Jeffrey Belarmino ay kinasuhan ng murder dahil sa pagkamatay ng magpinsang Lorendo at Ian Borres.

Isinampa ng human rights group na Karapatan ang kaso para sa pamilya ng mga biktima, na iginigiit na hindi miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawa at napagkamalan lamang sa operasyon ng militar sa Barangay Jebaca, Maayon, Capiz. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'